BauerTek Farmaceutical Technologies Corp. and Mariano Marcos State University have officially signed a formal agreement for the broader production of medicinal plants in the country.
Led by BauerTek Farmaceutical Technologies Corp. General Manager Richard Nixon Gomez and MMSU President Shirley Agrupis, together with CHED Chairperson Prospero De Vera III, the ceremony took place at the Teatro Ilocandia in Ilocos Norte. Concurrently, there was a Soft Launching of the Herbal Processing Facility and a Groundbreaking Ceremony at the Lubbot area, Ilocos Norte.
The aim of this project is to provide the majority with safer and more affordable medicine, as well as to expand research on medicinal plants. BauerTek Farmaceutical Technologies Corp. will lead in the production of medicines, while MMSU will be the source of medicinal plant yields.
Additionally, the Department of Agriculture – Bureau of Agricultural Research will provide additional machinery to MMSU for the facility. Experts will collaborate to enhance the quality of plant growth in their extensive cultivation in the province of Ilocos Norte.
Through this project, local farmers will have additional livelihood opportunities.
FILIPINO:
Opisyal nang pumirma ng pormal na kasunduan ang BauerTek Farmaceutical Technologies Corp.. at Mariano Marcos State University para sa mas malawak na produksiyon ng mga halamang gamot sa bansa.
Sa pangunguna nina BauerTek Farmaceutical Technologies Corp.General Manager Richard Nixon Gomez at MMSU President Shirley Agrupis kasama ang tagapangulo ng CHED na si Prospero De Vera III, isinagawa ang seremonya sa bulwagan ng Teatro Ilocandia sa Ilocos Norte. Kasabay nito, nagkaroon ng Soft Launching ang pagtatayo ng Herbal Processing Facility at natunghayan din ang Groundbreaking Ceremony sa lugar ng Lubbot, Ilocos Norte.
Layunin ng proyektong ito na magkaroon ng tulay ang nakararami sa mas ligtas at abot-kayang medisina, gayundin ang pagpapalawak sa pag-aaral ng mga halamang pang medisina. Ang BauerTek Farmaceutical Technologies Corp.. ang mangunguna sa produksiyon ng mga gamot, habang sa MMSU magmumula ang ani ng mga halamang gamot.
Magbibigay naman ng karagdagang makinarya ang Department of Agriculture – Bureau of Agricultural Research sa MMSU para sa pasilidad. Pagtutulungan ng mga dalubhasa na mas mapataas ang kalidad ng pagtubo ng mga halaman sa kanilang malawak na taniman sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Sa pamamagitan ng proyektong ito, magkakaroon ng karagdagang hanapbuhay ang mga lokal na magsasaka.