THE LAUNCHING OF PROJECT MEDCBG

The MEDCBG Project, spearheaded by BauerTek Farmaceutical Technologies General Manager Richard Nixon Gomez, advocates for the legalization of medical cannabis in the Philippines. The aim of this project is to provide relief and comfort to patients in need, as well as to generate substantial revenue for our country.

Medical cannabis is known for its ability to provide relief for various illnesses and conditions, from epilepsy, cancer, chronic pain, to neurological disorders. By legalizing it, more Filipinos will have access to this effective form of treatment.

Apart from aiding in the health of our citizens, it will also contribute to the growth of our economy. Through taxation and regulation of the medical cannabis industry, we will have a new source of income that can be used to improve our healthcare services and other national needs.

With the continued support from the public and lawmakers, we hope that the legalization of medical cannabis in the Philippines will become a reality. It is not only a response to the health needs of our people but also a step towards the economic development of our nation.

 

FILIPINO:

 

Sa paglulunsad ng Proyektong MEDCBG, ipinaglalaban natin ang legalisasyon ng medical cannabis sa Pilipinas. Ang nasabing proyekto ay pinangunahan ni BauerTek Farmaceutical Technologies General Manager Richard Nixon Gomez.

Layunin nito ang magbigay ng lunas at ginhawa sa mga pasyenteng nangangailangan, gayundin ang pagdulot ng malaking kita sa ating bansa.

Ang medikal na cannabis ay kilala sa kanyang kakayahan na magbigay ng lunas sa iba’t ibang uri ng sakit at karamdaman. Mula sa mga may epilepsy, cancer, chronic pain, hanggang sa mga may neurologically disorders, marami ang makikinabang sa mga benepisyo nito. Sa pagiging legal nito, mas maraming Pilipino ang magkakaroon ng access sa epektibong panggagamot na ito.

Bukod sa pagtulong sa kalusugan ng mga mamamayan, magdudulot din ito ng pag-angat sa ekonomiya ng bansa. Sa pamamagitan ng pagpapataw ng buwis at regulasyon sa industriya ng medical cannabis, magkakaroon tayo ng bagong mapagkukunan ng kita na maaaring gamitin sa pagpapaunlad ng ating mga serbisyong pangkalusugan at iba pang pangangailangan ng bayan.

Sa patuloy na pag-usbong ng suporta mula sa publiko at mula sa mga mambabatas, umaasa tayo na ang legalisasyon ng medikal na cannabis sa Pilipinas ay maging isang katuparan. Ito ay hindi lamang pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan sa kalusugan, kundi pati na rin ang pagtahak sa landas ng ekonomikong pag-unlad ng ating bansa.

Leave a Reply